Gusto mo bang mamasyal, maggala, magliwaliw, tumakas sa problema, mag tanggal ng stress ang kung ano pang dahilan ang meron ka pero hindi mo alam kung san ka pupunta?
Bakit hindi mo i-try pumunta sa Luisiana na matatagpuan sa lalawigan ng laguna kung saan matatagpuan ang isa sa pinakamagandang falls sa na kilala sa tawag na "Hulugan Falls".
Ang Hulugan Falls ay matatagpuan sa Luisiana Laguna na kilala din bilang Little Baguio of Laguna" dahil sa malamig na klima dito.
Paano pumunta sa Hulugan Falls?
mala DORA the Explorer.... :D
Kung byahe/commute galing manila pwede ka magmula sa Buendia/ Cubao Terminal. Sumakay ng Bus na papunta sa Sta. Cruz Laguna. Meron din daw nadaan sa Edsa na byaheng Sta. Cruz if trip nyo dun go lang. Pagkakababa sa Terminal ng Sta. Cruz tumawid sa kabilang kalsada at hanapin ang Terminal ng Jeep papuntang Lucena or Lucban. Sabihin sa driver na ibaba kayo sa Luisiana. Pagkababa sa kanto maglakad ng konti tapos may tricycle na maghahatid hanggang barangay hall, syempre may bayad yun(sa panahon ngayon wala ng libre).Kailangan mag log ng pangalan tapos magbabayad ng 30 pesos (kung tama pagkakaalala ko). Dito na din pwede maligo o magbanlaw 10 pesos ang bayad. Bibigyan kayo ng tour guide at depende sa inyo kung magkano ang gusto nyo ibayad. Si Kuya tour guide ang magaalalay sa inyo papunta sa falls at pwede nyo ipabantay sa kanya yung mga gamit. Kung trip mo yung mala buwis buhay na challenge para sayo to lalo na kung medyo tag ulan kayo pupunta kase maputik ang daan, mabato at palusong pero huwag mag alala nandyan naman si kuyang tour guide para alalayan kayo. Sobrang sulit naman pag nakita nyo na yung falls. Syempre dapat may baon kayong foods kase nakakagutom pagdating dun. Kapag pauwi mas nakakapagod kase paakyat na. May tricycle ulit na nagaabang dun pero kung trip nyo maglakad kaya naman. Pagkatapos sasakay ulit kayo ng jeep byaheng Sta. Cruz. Sakay ulit kayo sa may bus terminal ng Sta. Cruz kung san man kayo patungo..